...Patungkol sa Panonood ng Sine
Ang pinaka-unang pelikulang pinanood ko nang mag-isa ay ang Brother's Grimm ni Terry Gilliam. Sa hindi ko alam na dahilan ay mapilit akong panoorin ang pelikulang 'yon, at dahil hindi naman mahilig manood ng sine ang mga magulang ko, para mapanood itong pelikulang ito ay kailangan kong manood ng sine nang mag-isa. Ayaw ng nanay ko, pero mapilit ako.
Sa SM Bicutan ko siya pinanood, at noong mga panahong 'yon ay P60 ang sine...at ang pagkain ko nun ay isang maliit na C2 green tea, isang maliit na Mr. Chips, at isa pang maliit na pulang Tortillos. Maraming tao noon sa loob ng sinehan...siguro dahil nga mura pa ang sine noon, dahil sa standard of living ngayon ay bantulot na ang mga taong magwaldas ng pera para sa sine. Kung ngayon ako tatayo sa harap ng ticket booth...malamang walang manood ng pelikulang 'yun. Pero marami ngang tao sa sine...at naaalala kong nagandahan ako sa kanya't nagalingan ako kay Heath Ledger...hindi ko naman alam na eventually magiging isa sa mga paborito kong direktor si Terry Gilliam.
Simula ng nagkaroon ako ng trabaho halos parang ginawa ko nang pangalawang tahanan ang sinehan...dahil siguro sa stress at kailangan kong malibang? Kung dati e sa channel 31 (yung mga luma...dun ko napanood ang Roman Holiday at Singing in the Rain...nung wala pang cable) at HBO lang ako nanonood ng pelikula, ngayon may mga pirated DVDs (gagradweyt na ata ako ng college bago kami magkaroon ng DVD player...) na ako, at kasalukuyang nanonood ng pelikula mapa-streaming o torrent...dalawa-tatlong palabas isang araw.
Pero hindi naman ako maituturing na cineaste...dahil pag naligaw ako sa isang kumpol ng mga bona fideng cineaste, unti-unti akong iisod papalabas sa pag-uusap nila...dahil hindi ko pa napapanood ang The Godfather...hindi ko pa napapanood ang Casablanca...ang Fight Club...mangilan-ngilan lang na Oscar-winning at Oscar-nominated movies ang napanood ko...at sa dami ng pelikulang nagawa mula sa pinaka-unang pelikulang nagawa (akshully hindi ko rin alam kung ano 'yun), mukhang kahit habambuhay akong nakatunganga sa TV para isa-isahin 'yun ay hindi ko mauubos ang listahang 'yun.
Eniwei...bakit ko nga ba sinimulan itong listahang ito...
Ang gusto ko lang namang maisulat ay ito...
Sa tatlong taon kong paglalagi sa loob ng sinehan, napagtanto ko ang mga sumusunod na bagay:
1. Lahat ng pelikula ay may pinipiling panahon at pagkakataon. Hindi lahat ng pelikulang lumalabas ay dapat panoorin kaagad...kailangan nilang kumita, pero hindi laging kung kailan siya pinapalabas sa sinehan siya kailangang panoorin.
2. Dahil doon, lalabas lang ang tunay na entertainment value ng isang pelikula pag pinanood mo siya sa tamang panahon.
3. Namimili rin ang mga pelikula...may mga pelikulang kailanman ay hindi mo mapapanood dahil hindi ka nababagay sa kanila...mas gusto ko siyang tignan sa ganoong paraan kesa yung kabaliktaran.
4. Merong mga pelikulang nangangailangan ng tsibog para ma-enjoy mo. Merong mga pelikulang naghahanap ng alat, ng tamis, o ng sopdrinks. Merong mga pelikulang mas okey na panoorin mo nang walang kinakain.
5. Merong mga pelikulang naghahanap ng ambience. Maaaring sa sinehan mo siya dapat panoorin...merong mga pelikulang gustong panoorin mo siya sa Greenbelt, merong mga pelikulang okey lang sa SM. Merong mga pelikulang bagay panoorin sa PC, merong mga pelikulang bagay panoorin sa TV habang nasa sopa ka't nakapatay ang ilaw...nakaukilkil na sa isip ko na ang Harry Potter, para ma-enjoy ko sa TV, kailangang panoorin ko siya nang gabi, habang umuulan at nakapatay ang ilaw...naka-upo sa sopang napapalibutan ng unan...Aking experience lang naman 'yun.
6. Ang panonood sa loob ng sine ay hindi nalilimit sa pelikula. Lahat ng bagay na may kinalaman sa pagpasok mo sa loob ng sinehan ay makatutulong, o makakasama, sa panonood mo ng sine. May mga panahon na kinakailangan mo ng barkadang sasama sa 'yo. May mga panahong mas gusto mong isa lang ang kasama mo. May mga panahong mas nanaisin mong mag-isa. Merong mga panahon na makakapanood ka nang may kasama pero hindi mo ma-enjoy ang pelikula sa kaiisip kung pareho kayo ng iniisip tungkol sa pelikulang pinanood ninyo...o kung nag-eenjoy ba siyang kasama ka o napipilitan lang siya. Merong mga panahong mag-isa ka pero na-enjoy mo ang pelikula dahil kahit hindi mo kilala ang mga kasama mo, sabay-sabay kayong tumatawa...at minsan nakakadagdag yung stray na overreaction ng mga tao (may naranasan akong habang nanonood kami ng Inception, may napapalakpak sa sobrang excitement...yung isa pa e nung nanood ako ng The Hangover 2, may foreigner na ulitimong pagbanggit ng P.F. Chang's e napatawa siya...I mean...what the fuck, 'di ba? Pero trip niya e...).
7. Na kapag tinawag ka ng pelikula ay dapat hindi mo siya tinatanggihan...Pag lumabas ang pamagat ng pelikula sa isip mo at hindi ka niya pinapakawalan...ibig sabihin nun kailangan mo siyang panoorin...kahit minsan ay lalabas ka ng sinehan na disappointed...yun ay kung pinagkagastusan mo siya. Hindi naman kailangang kasalukuyang palabas ang pelikula...ang kailangan lang ay tinawag ka ng pelikula...
Pero siyempre, tulad ng maraming bagay ay sa akin lang naman siya applicable...dahil meron naman akong mga sariling biases tungkol sa panonood ng pelikula (dati hindi ako manonood ng blockbuster na pelikula hangga't hindi ito desisyon ng mga kaibigan...in fairness naman...dapat hindi ako manonood ng X-Men: First Class...pero hindi ko makikilala si Michael Fassbender kundi dahil sa pelikulang 'yon...hindi sa hindi ko pa siya napanood dati...pero hindi ko maitatanim ang pangalan niya sa utak ko kundi dahil sa pelikulang 'yun), at baka dahil hindi naman flourishing ang aking social life outside the office kaya lagi na lang ako nanonood ng pelikula, pero ayun...gusto ko lang siguro maging mas-open ang mga tao pagdating sa pelikula't hindi sila nalilimit sa kung anong nilalabas sa sinehan...lalu na dito sa Pilipinas...dahil talagang napakakonti ng palabas na inilalabas dito kung ihahambing sa ibang bansa...ayun...Pero dahil wala namang nagbabasa nito...hwell...hwekhwekhwek.
Labels: mga bagong kaalaman, mga palabas, something other than buhay, tsong ambaduy, wala lang
Bababa Ba?

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home