Wednesday, July 06, 2011

The Awkward Acquaintance Squint-Down

At hindi man lang stare-down 'di ba?

me: *tigil lakad* *tilt head* *squint* *points with finger*
acquaintance: *squint* *points with cellphone*
me: *lakad papalapit* *squint*
acquaintance: *squint* *tilt head* (name of school)
me: ya
acquaintance: the newspaper
me: ya...*slow wave* hi...
bye *walk away*

Now what just happened there?

Ako man hindi ko alam. Sa katunayan nakikita ko na ang orange shirt niyang bumabandera mula nung nakapila ako bago pumasok ng sinehan...at alam kong kilala ko siya...actually, naaalala ko ang pangalan niya. Siya na'ng may sikat na kapatid. Ngunit nakikini-kinita kong nangyari sa pagitan ng 'hi' at 'bye' ko ay ang sandamakmak na subtext na tumatakbo sa utak ko. Una na yung awkwardness na nagkabungguan, pangalawa, kung itutuloy man ang pag-uusap, paano siya magsisimula? Sa "kamusta na?" Base sa pagsusuri ng aking brain cells, yun ang greeting via reflex...ang "kamusta na." Apparently nag-short circuit ang aking brain cells sa paghalukay ng nararapat na sabihin...dahil hindi ako usually ang nagsasabi ng "kamusta na" pag may nakakabunggo akong dati kong kilala...hinahayaan ko lang silang manguna...pero dahil siguro pareho kami ng uri ng tao nitong taong ito--meaning kami yung tipo ng taong hindi nangangamusta--ayun...

Bakit ko kailangang i-blog?

Dahil makalipas ang isang segundo matapos akong lumayas, nabagabag ako sa kawirduhan ng nangyari pero hindi magawa ng paang tumigil at bumalik dahil kung babalik man ako e hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Oo, nababagabag ako dahil iniisip ko kung ano ang mangyayari kung may nakabunggo na naman ako...say...teacher o dating kaibigang medyo naka-close...

Actually, matagal na akong fascinated sa phenomenon na 'yan...pero hanggang fascination lang at hindi ko pa rin alam kung ano ang protocol...yung feeling ni Tenoch at ni Julio nung magkabanggaan sila sa kalsada nung papunta si Julio sa dentista...

Kailangan ko lang mapatawad ang aking sarili sa nangyaring 'yun...at alam kong mangyayari na naman 'yun...dahil nangyari na sa 'kin 'yun nung Pasko...at nangyari na naman ngayon...Sana alam ko na kung ano ang gagawin sa susunod...Hais.

Labels: , , ,

Bababa Ba?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home