Monday, April 18, 2011

Masayang Balita!

Makalipas ang maraming taon! Aba! Blogger. Sa kagustuhan kong lumayu-layo sa fezbowk ngayon ay sa iyo ko ipapamalita ang isa sa mga pinakanakakatuwang balitang maibabalita ko sa kasalukuyan! O 'di ba? For a change, happy!

Nitong nakaraang dalawang araw ay may nag-iwan na naman ng kuting sa bahay namin sa pag-aakalang tumatanggap kami ng mga inabandunang pusa. Impernez, kung hindi naman marami ang amingkasalukuyang alaga e gagawin naman namin 'yun...nga lang...anim ang pusa namin dito...

Eniwei...sa kauna-unahang pagkakataon e nakalabit ang puso ng aking nanay, at ako ay naatasang buhayin ang nasabing kuting...pero siyempre, kailangan ng paraan para mapakain siya. So eto na nga...siyempre hindi ko alam kung paano dahil wala naman kaming feeding bottle para sa pusa...so ang solusyon...bilhan siya ng feeding bottle.

At bilang ngayong semana santa ay ang aking naging panata ay ang mag-abstain mula sa Cityville at ang mag-exercise, dahil may malapit (relatively) na veterinary clinic sa amin, nagpasiya akong lakarin ang nasabing veterinary clinic. Hindi ito lakad tindahan sa kanto a...ang paglalakad na ito ay parang paglalakad mula EDSA papuntang Buendia via Ayala, tapos babalik ka uli ng EDSA papuntang Arnaiz.

Alam ko...hindi biro 'yun...pero dahil ginawa ko naman siya dati nung naghahanap ako ng trabaho...bakit hindi 'di ba?

So ayun na nga...Since nasa kabilang subdivision ang nasabing veterinary clinic, inisip kong dumaan sa lagusang nagkukunekta sa aming subdivision papunta sa kanila...at bilang mahabang lakaran 'yun, aba! Kailangang maghanda! So nagsuot ako ng jogging pants at rubber shoes.

At hindi dun natatapos ang paghahanda! Nagstretching ako! *stretch! stretch!*

At tapos nun, nagbaon ako ng bimpong pampunas ng pawis at matapos maibulsa ang karampatang pambayad sa feeding bottle, ako'y naglakad alang-alang sa maliit na buhay na iniatas sa akin ni inay.

So ayun nga.

Nung umabot ako sa gate, may nakapaskil na tarpaulin...nakalagay dun

Starting March 31, 2011, Pedestrians, Motorcycles, Bicycles are prohibited to enter. Bukas naman yung gate. May nakaharang lang na...ehm...basta yung parang itinataas lang, tapos may nakabantay na guard. Tinignan ko ang kabilang village, tapos tinignan ko yung guard...tapos tinignan ko uli yung kabilang village...tapos tinanong ko si manong "Hindi na po talaga pwede?"

Tinanong ng guard kung saan ako pupunta, tapos sinagot ko kung saan ako pupunta. Nervous laugh lang si kuya at itinuro ang trapal...so nakasimangot akong naglakad pabalik.

Hindi naman sa hindi ako makakarating sa nais kong puntahan, sadyang hindi lang conducive for healthy walking ang isa pang ruta papunta dun sapagkat sa west service road ang daan dun...Meaning...(1) maraming sasakyan at mausok at (2) hwell...hindi ako willing maglakad dun...period. Hwekhwekhwek.

Eniwei...maglalakad na sana ako papalabas ng subdivision namin nang may tumigil na tricycle sa may kalagitnaan ng aking paglalakad...tapos siyempre nag-jeep na lang ako papunta sa kabilang subdivision. Pero mula sa bungad ng subdivision ay naglakad na ako...hindi naman sa malayo siya mula sa labasan, pero okei na rin na pang-exercise gawang maglalakad din naman ako palabas.

Buti na lang mabait yung mga tao sa veterinary clinic, at awa ng diyos meron silang feeding bottle na hindi P280 ang halaga...dahil kahit kasusweldo pa lang ay wala na talaga akong pera :(. Eniwei, ayun nga, nakabili ako ng feeding bottle :D. Ayun.

Matapos akong maka-uwi at makabili ng Bear Brand para kay kuting...(although sabi ng internet ay hindi pwedeng painumin ang bagong panganak na kuting ng human milk...mahal ang kmr...:() nagsimula na akong maghanda para sa pagpapakain sa kanya...

Hindi madaling magpakain ng kuting...lalu na kung hindi napipindot yung bote...yung unang subok ko...siguro may sampung minuto kong pinipilit na uminom yung kuting...ayaw talaga...so sinukuan ko siya...hwekhwekhwek...hwell parang ganun...pumasok ako para tignan sa internet kung pa'no magpainom ng gatas sa kuting...siyempre marami akong patakarang hindi sinunod...mula sa gatas na paiinumin hanggang sa paraan ng paghawak...impernez naman nung susunod na sinubukan ko siyang painumin, matiwasay siyang uminom mula sa bote at ayun...ang hindi ko nga lang magawa ay yung padumihin siya...dahil hindi ko alam kung kailan niya gustong dumumi...pero yung susunod na pakain ko sa kanya ay 8:30...tapos nun 10:30...so on and so forth. yun ay kung susundin ko 'yung pattern na 'yun...siyempre...sana naman tulungan ako ng mga magulang ko at pakainin din nila yung kuting dahil may trabaho na ako bukas at kailangang sa loob siguro ng dalawang linggo ay ganoon ang schedule niya...:(...pero at lis alam kong pede na akong magpakain ng kuting...at siguro isusunod ko na ang pagpapaligo sa kanya gamit ang antibacterial soap :)...sana lang ay mahalin din siya ng mga kasalukuyang pusa...dahil usually, kapag may dumarating na bagong pusa, isa-isa silang nag-aalisan eh...:( sana naman hindi...

Iniisip ko na nga rin minsan na magtayo ng cat colony...sabi nila maganda daw 'yun para sa neighborhood dahil sila namamahala sa mga daga...pero siyempre pag nagtayo ka nun, kailangan ng maraming bagay: (1) pagkain, (2) schedule of activities para sa mga pusa, (3) regular vet, (4) pakyut powers para manghingi ng donations.

Iniisip ko rin kung ano ang mangyayari sa cat colony pag wala na ako :(. Siyempre masyado namang forward thinking 'yun, pero ayun...Pero kung nanaisin ko naman, mangyayari 'di ba? Pero siyampre pinipigilan ako ng takot...pero ayun...Sana tumatag lang ang loob ko para sa mga bagay na ganyan...:(

Labels: , ,

Bababa Ba?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home